sarah at matteo

MAY report dati na ayaw na ni Sarah Geronimo na magkaroon ng isa pang programa bukod sa ASAP20 dahil gusto raw niyang bumalik sa pag-aaral.

Ito ang ibinigay niyang rason sa hindi na niya pagtanggap na maging coach sa The Voice Kids Season 3 kaya pinalitan siya ni Ms. Sharon Cuneta.

Pero nabanggit sa amin taga-ABS-CBN sa isang presscon na may bagong reality show pala si Sarah G na may kinalaman sa pagtuklas ng boy band.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Sagot ng kausap namin nang mag-usisa kami kung ano ang magiging papel ni Sarah sa bagong reality show, “Parang one of the judges siya, I think.”

Judge din pala ulit, so bakit kaya niya tinanggihan ang The Voice Kids 3 na kapareho rin ng magiging papel niya sa bagong reality show ng Dos?

Ang biruan ng mga katoto, “Baka naman hindi natuloy ang plano nila ni Matteo (Guidicelli) dahil biglang dumagsa ang offer sa kanya (Matteo)?”

Ano ang plano?

“Magpakasal, ano pa ba? Onders (thunders, as in matanda) na lola mo, bente otso na,” mabilis na sabi sa amin.

Hala, parang hindi pa rin naman handa si Matteo sa pag-aasawa at si Sarah din, for sure. Ano sa tingin mo, Bossing DMB? –Reggee Bonoan

(Huwag n’yo kasing pangunahan ang mga bata, este, onders pala! –DMB)