Ni NITZ MIRALLES

MARIAN AT BABY ZIA NAKARATING na kaya sa kaalaman nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang death threat ng isang basher kina Marian at Baby Zia?

Ang tapang ng basher na paiba-iba ang user name sa kanyang pagbabanta sa mag-ina at talagang idinamay ang walang kamuwang-muwang na bata.

Nag-post ito ng, “Di bale isang araw mamamatay din c Marian kasi may papatay sa kanya. Kawawa naman kayo  kasi maaga siya mamamatay. Di na sha aabot ng 40. Hehehe.”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Sinundan pa niya ang post ng, “May kamag-anak kong npa. Papatay ko c zia at marian. Para mawalan na ng salot sa mundo.”

Hindi ito pinalampas ng fans nina Marian at Dingdong, sila ang nagbanta na irereklamo ang basher sa NBI, DOJ at sa media. Kinuyog nila ito at inalam kung tagasaan o saan nakatira at agad nilang nalaman. Nadiskubre pa nilang teacher pala ito at nalaman din nilang 2015 pa, hater na siya ni Marian.

Nahalungkat din ng DongYan fans ang comment ng basher na, “umay pa more! Yuccckkk mukhang tae ng kalabaw ang anak ni Marian.”

Natakot yata ang basher at nag-post ng, “Ako po ay humihingi ng public apology sa inyo at kay Marian tungkol sa mga nasabi ko na nakakasakit sa inyo at sa mga fans. Marahil di ko nauunawaan ang mga bagay dahil hinusgahan ko si Marian. Sana po mapatawad nyo ko. Hindi na po mauulit ito.”

Ayaw maniwala ng fans ni Marian at DongYan fans na sincere sa paghingi ng public apology kaya balak nilang ituloy pa rin ang pagrereklamo sa NBI at DOJ at sa pulisya.

Sinabihan din nila ang basher na kung sincere sa paghingi ng public apology, sa Instagram ni Dingdong o ni Marian siya mag-apology.

Lalong ayaw maniwala ng fans nina Marian at Dingdong sa sinabi nitong na-misunderstood lang niya si Marian dahil kung totoo ‘yun, bakit pati si Baby Zia ay idinamay niya?

Sa isang post ng basher ni Marian, inamin nitong laking TGIS siya at noon pa ay gusto niya si Dingdong, pero si Antoinette Taus ang gusto niya at hindi si Marian.

Sunud-sunod ang paghingi nito ng sorry sa DongYan fans at sa huli, sinabing, “Ang mali ko lang dapat matuto rin ako tanggapin na me mga bagay na di nakalaan ke Dingdong. Pasensiya na kau pati Baby Zia nadamay. Wala naman ginagawa sa akin c Marian. Di ko lang sha feel” at “Patawarin n’yo na po ako. Di ko na po iba-bash c Marian di n rin ako magpapalit ng IG name. Patawarin n’yo lang po ako.”

Ang gandang pagreakin nina Dingdong at Marian sa isyung ito dahil hindi ito biro at buhay na nina Marian at Baby Zia ang involved. Baka first time magagalit si Dingdong ‘pag nagkataon.