BANGKOK (AP/AFP) – Patay ang 18 babae sa sunog sa dormitoryo ng isang primary school sa hilaga ng Thailand, karamihan ay mga dorm-mate na bumalik sa pagtulog sa pag-aakalang biro lamang ang apoy, sinabi ng mga opisyal nitong Lunes. Ang mga biktima ay may edad 5 hanggang 12 anyos.

Limang batang babae ang nagtamo ng mga pinsala sa sunog dakong 11:00 ng gabi noong Linggo. Marami ang nakaligtas sa pagbaba gamit ang lubid mula sa bintana ng ikalawang palapag ng gusali. Inabot ng tatlong oras bago naapula ang sunog.

Ang kindergarten at primary school sa Wiang Pa Pao district, sa labas ng lungsod ng Chiang Rai, ay mayroong halos 400 day student at boarder. May 800 kilometro ang layo nito mula sa hilaga ng Bangkok.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'