Paul Jake at Kaye

Ni JIMI ESCALA

KUNG ilang beses nabiktima ng walang katotohanang tsismis si Kaye Abad, tulad ng napabalitang may anak daw siya sa dating boyfriend niyang si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar. 

Pinagtawanan lang ng mahusay na aktres ang nasabing isyu sa katwirang mas kilala niya ang sarili niya kaysa mga gumagawa ng walang katotohanang tsismis.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero hindi pa rin siya tinigilan, ang sinasabing anak daw ni Kaye ay ang kanyang pamangkin na anak ng nakababatang kapatid na si Sarah Jane, napangasawa ng lead vocalist ng Kamikazee na si Jay Contreras.

Matandaang naging espesyal na kaibigan ni Kaye si John Lloyd Cruz. Ito ‘yung panahong magkasama pa sila sa seryeng Tabing Ilog. Sa katunayan, si Kaye Abad ang first love ni Lloydie, huh!

Nagkaroon man ng ilang boyfriends, non-showbiz man o taga-industriya, hindi sinuway ni Kaye ang pangako niya sa daddy niya na hinding-hindi siya magkakaanak hangga’t hindi pa siya naikakasal. 

Ngayon nga ay pormal nang nag-propose ng kasal kay Kaye ang dating Pinoy Big Brother Double Up housemate na si Paul Jake Castillo. Text pa sa amin ng dalaga. kung napanood raw ba namin ang pagpo-propose ni Jake na tinanggap naman niya na may luha sa mga mata niya.

“Thirty four years old na ako, noon sinasabi kong ready na akong mag-asawa dahil nagkaedad na ako pero wala pang nag-aalok ng kasal. Kahit mga parents ko, eh, gusto na nilang mag-asawa na ako noon pero ano’ng magagawa ko, eh, walang nag-aalok?” nakakaaliw na kuwento ni Kaye.

Naunahan na nga raw siya ni Sarah Jane na matagal nang nagkaasawa at nagkaroon ng anak. Kaya mabilis na tumango si Kaye nang kaswal na iniabot sa kanya ni Paul Jake ang singsing. 

Lahat ng mga kaibigan ni Kaye ay masayang-masaya para sa kanya. Nang ma-upload sa social media ang video ng proposal ni Jake, halos every minute ay nakatanggap siya ng mga mensahe mula sa mga ito.

Noong April 2014 inamin nina Kaye at Paul Jake ang kanilang relasyon. And after two years, niyaya na siyang pakasal ng boyfriend.

Kuwento pa ng aktres, madalas sila sa Cebu kung saan nagko-compete sa triathlon si Paul Jake at nakasama na rin niya ang nobyo sa New York, Las Vegas, Grand Canyon, Hawaii at Hong Kong. 

Intimate church wedding ang plano nila, at hangga’t maaari ay iiwasan nilang maging engrande ito. Pero parehong mayaman at malaki ang kani-kaniyang pamilya kaya baka hindi matupad ang gusto nilang mangyari. 

Nanggaling si Paul Jake sa pamilya na may sikat na lechon business sa Cebu bukod pa sa kompanya pa rin nila ang gumagawa ng Omega Pail Killer, Bioderm Ointment at Casino Rubbing Alcohol