NAGKAROON ng katuparan ang pangarap ni Monica Cuneco na maging isang recording artist. Ini-release ng Viva Records ang kanyang awiting pinamagatang Merong Pag-ibig na katha nina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana.

Simple lang ang mensahe ng kanta na walang iba kundi pasasalamat sa anumang bagay na ipinagkaloob sa atin.

Iniidolo ni Monica si Sharon Cuneta at pinahahalagahan niya ang pointers na ibinahagi sa kanya ng megastar noong sumali siya sa Star Power na ang megastar ang host. Ini-apply niya ito nang gampanan niya ang karakter ni Doreena Pineda sa musical version ng Bituing Walang Ningning. Sa pelikula, ang gumanap na Doreena ay si Sharon.

Ang music video ng Merong Pag-ibig ay maririnig na sa music channels tulad ng MTVPinoy at MYX. (REMY UMEREZ)

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz