LAKING pasasalamat ng Real Housewives of New York star na si Carole Radziwill na ligtas ang kanyang nobyo, si Adam Kenworthy. Kabilang kasi ang thrill-seeking chef sa bumagsak na eroplano sa Iowa nitong Huwebes.

“Adam was very lucky,” pahayag ng reality star at manunulat sa Us Weekly. “He walked away from the crash. He was admitted to the hospital right afterwards and released last night. He is doing well.”

Gayunman, nagtamo ng sugat ang ama ni Kenworthy na si David at nananatiling nasa ospital. Sa pagbiyahe ni Kenworthy, ibinahagi pa nito ang isang napakagandang video sa Instagram na makikita ang malalaking ulap.

“NYC [to] Iowa,” paglalarawan niya sa video. Hindi ito ang unang pagpapalipad ng eroplano ni Kenworthy; maraming beses na siyang nagbahagi ng mga litrato habang nagpapalipad ng eroplano kasama ang kanyang ama.

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

(Matatandaang namatay ang matalik na kaibigan ni Radziwill, si Carolyn Bessette Kennedy, noong Hulyo 1999 dahil sa pagbulusok ng eroplano kasama ang asawang si John Kennedy Jr., at nakatatanda nitong kapatid na si Lauren.)

Si Radziwill, na dating kasintahan ni George Clooney at ni Ralph Fiennes, ay karelasyon ngayon ang mas batang si Kenworthy.

Noong May 2015 episode ng Real Housewives, sinabi ni de Lesseps na “little weird” na ka-date ngayon ni Radziwill ang dating kasintahan ng kanyang pamangkin.

“He’s a little young and he’s my niece’s ex-boyfriend, so what can I tell you?” pahayag ni de Lesseps sa nasabing episode. (US Weekly)