SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija – Labinlimang sako ng feeds ang natangay ng mga hindi nakilalang kawatan mula sa isang Isuzu 10-wheeler truck na nakaparada sa Maharlika Highway, sa tapat ng Tilah Seeds Center, sa Barangay Maligaya sa lungsod na ito, nitong Biyernes ng gabi.

Sa reklamo ni Junar Cumarat y Gunara, 45, driver; at anak na si Francis John Cumarat y Bubun, 20, kapwa ng Bgy. Sinsayon, Santiago City, Isabela, sa pulisya, dakong 9:00 ng gabi nang iparada nila sa gilid ng highway sa Bgy. Maligaya ang truck (PSZ-499).

Kagagaling lang umano nila sa Angeles City at patungong Isabela para mag-deliver ng feeds nang abutan ng antok ang mag-ama, kaya pinili nilang magpalipas muna ng gabi sa loob ng truck.

Bandang 3:00 ng umaga nang akyatin ng hindi nakilalang suspek ang truck at nilaslas ang lona nito para matangay ang 15 sako ng feeds, na umano’y isinakay sa isang tricycle at tumakas patungong Bgy. Bacal Uno sa Talavera.

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman

Umaabot sa P19,500 ang halaga ng natangay na feeds. (Light A. Nolasco)