Maroon 5 copy

KINANSELA ng Maroon 5 ang kanilang mga concert sa North Carolina bilang isang musical act laban sa binabatikos na state law, kaugnay sa paggamit ng banyo, dahil sa pagiging discriminatory ng nasabing batas para sa mga transgender.

“This was a difficult decision for us to make as a band,” pahayag ng American pop rock group sa kanilang website nitong Biyernes.

“We don’t want to penalize our fans in North Carolina by not performing for them, but in the end it comes down to what we feel is morally right AS WE FEEL EVERYONE SHOULD BE TREATED EQUALLY,” dagdag pa ng Maroon 5.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Matapos maipasa ang nasabing batas nitong Marso, ang North Corolina ay naging kauna-unahang state sa U.S na nag-uutos sa mga transgender na gumamit ng multiple-occupancy public restrooms at changing facilities na naayon sa kasariang nakasaad sa kanilang birth certificate sa halip na sundin ang kanilang gender identity.

Ang batas na ito, na inaprubahan ng Republican-led legislature sa one-day special session, ay pumipigil din sa lokal na pamahalaan na magpasa ng anti-discrimination ordinances kabilang ang proteksiyon batay sa pagkakakilanlan ng kasarian at seksuwal na oryentasyon.

Kabi-kabila naman ang mga isinampang kaso ng mga tumututol at ng mga sumusuporta sa batas at maging ang pagtuligsa ng mga korporasyon, kapulungan, turista at entertainers. Iniutos ngayong linggo ng U.S Justice Department sa isang federal district court na ideklara ang paglabag ng North Carolina sa 1964 Civil Rights Act.

Nitong nakaraang Martes, nagdeklara rin ng pag-atras sa performance, bilang protesta sa nasabing batas, ang kilalang biyolonista na si Itzhak Perlman. Maging sina Bruce Springsteen, Demi Lovato, Nick Jonas, ang Boston, Pearl Jam, Ringo Starr at ang grupong Cirque du Soleil ay nagkansela rin ng kani-kanilang concert.

Ang nakanselang palabas ng Maroon 5 ay gaganapin sana sa Raleigh at Charlotte. Umani ng mga papuri ang naging desisyon ng banda at mayroon ding pamuna mula sa mga tagahangang nag-post sa kanilang website.

“You shouldn’t punish your fans who have no control over the politics!” reaksiyon ng isang fan sa naturang website.

Kinuwestiyon naman ng spokesman ng kampanya ni Republican Governor Pat McCrory na si Ricky Diaz ang timing ng “political statement” ng banda. Si McCrory ay naghahangad ng re-election ngayon Nobyembre.

“At this point, the only people they are hurting by hypocritically targeting North Carolina for selective outrage are their fans and the hardworking men and women servicing these shows while they keep tour dates overseas – even in Russia,” ani Diaz sa isang pahayag. (Reuters) (Isinalin ni Michaela Andrea M. Tangan)