Orlando at Katy copy

INSTAGRAM official na ang relasyon nina Katy Perry at Orlando Bloom simula nang i-post ng songstress nitong nakaraang Biyernes ang kanilang larawan sa hagdan ng Hotel du Cap-Eden-Rock.

“We cannes’t,” ang caption ni Perry sa nasabing post.  

Lumabas ang Instagram post pagkatapos ng annual amfAR Gala na naganap noong Cannes Film Festival, na nagmistulang hindi magkasintahan ang dalawa. Napansin na hindi sila magkasabay na lumakad sa red carpet at sa magkaibang lamesa pa umupo bagamat nagawa naman ni Perry na i-photobomb si Bloom.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Posible, diumano, na pagod na ang dalawa sa pagtatago ng kanilang relasyon. Unang naiugnay si Perry, na ex sina Russel Brand at John Mayer, kay Bloom, na dating asawa ni Miranda Kerr, nang makuhanan sila ng larawan habang naglalambingan sa after party ng Golden Globes noong Enero.

Simula noon ay sunud-sunod nang nakita ang dalawa na magkasamang nagbabakasyon sa Hawaii, nagha-hangout kasama ang limang taong gulang na anak ni Bloom na si Flynn, at naghahalikan habang nagbabakasyon sa hometown ng singer sa Barbara, California.

Inamin din ngayong linggo ng isang source sa Us Weekly na totohanan ang relasyon ng dalawang Hollywood stars: “They’re full speed ahead. They’re so into each other.” 

Maasahang isa lamang ito sa marami pang larawan ng dalawa na isi-share ni Perry. (Yahoo News/Celebrity)

(Isinalin ni Michaela Andrea M. Tangan)