CAIRO (Reuters) - Kinumpirma ng Egypt nitong Biyernes na natagpuang palutang-lutang sa Mediterranean sea ang mga bangkay at personal na gamit ng mga pasahero ng EgyptAir Flight 804.

“The Egyptian navy was able to retrieve more debris from the plane, some of the passengers’ belongings, human remains, and plane seats,” pahayag ng Civil Aviation Ministry ng bansa.

Naglakbay ang navy sa layong 290 kilometro (180 milya) sa hilagang bahagi ng Alexandria, sa katimugang bahagi kung saan nawalan ng signal ang eroplano nitong Huwebes ng umaga.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline