ANA CAPRI_please use this copy

SAYANG at late dumating si Ana Capri sa presscon ng pelikulang Pare, Mahal Mo Raw Ako sa Dong Juan restaurant noong Huwebes ng hapon, hindi tuloy namin siya nakuhanan ng update sa kasong isinampa niya laban sa lalaking nang-harass daw sa kanya noong Abril sa The Palace Pool Club, Taguig City.

Paalis na kami nang dumating si Ana sa venue ng presscon ng pelikula nina Michael Pangilinan at Edgar Allan Guzman na sinulat at idinirek ni Joven Tan. Mapapanood na ito sa Hunyo 8, Viva Films ang nag-release.

Nag–post kasi si Ana sa kanyang Instagram dalawang araw na ang nakararaan, “Panunumpa po w/ my #lawyer#attorneyjurado LABAN sa: Sana po maibigay na po name ni John Doe. Act of Lasciviousness, Physical Injuries and Slander by Deeds against John Doe (Chinese Looking Man) and Violation of PD 1829 (obstruction of apprehension and obstruction of justice) against the officer of The Palace Pool Club.”

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Ayon sa balitang nakarating sa amin, ayaw daw ibigay ng taga-The Palace Pool Club ang pangalan ng taong nang-harass kay Ana.

Samantala, hindi na rin namin nalaman ang papel ni Ana sa Pare, Mahal Mo Raw Ako sa kamamadali naming umalis, pero naniniwala kami na mahalaga ang ginagampanan niyang role tulad ni Nora Aunor bilang ina ni Michael.

Ang awiting Pare, Mahal Mo Raw Ako ay isa sa entry sa 2014 Himig Handog Pop Love Songs ng Star Music kaya nagtataka ang entertainment press kung bakit hindi ini-release ng Star Cinema considering na parehong Kapamilya star sina Michael at Edgar Allan.

Hindi naman daw nagdalawang salita ang mga producer ng Pare, Mahal Mo Raw Ako sa Viva Films dahil agad itong pumayag na i-release ang pelikula.

“Maganda ang movie at makakadagdag ito sa library ng Viva,” sabi ng Viva executive sa amin. (Reggee Bonoan)