HINDI pabor ang mga taong humahawak sa career ng aktres sa negang karelasyon dahil nahahawa raw sa kanegahan nito ang alaga nila.

Napag-usapan sa isang event ng film/TV executives na nakatrabaho niya ang aktres at ang karelasyon niya na hindi taga-showbiz dahil lagi raw nakabantay.

“Mabait naman si _____ (aktres), masunurin at nakakaarte naman, ‘kaso kapag dumating na ang dyowa, parang laging nagmamadaling makaalis. O ‘pag wala naman (ang boyfriend), laging may kausap sa cellphone ‘tapos mapapansin na parang nag-iiba na ang mood niya.

“Nakasimangot o kaya parang iritado na, siyempre nakakaapekto ‘yun sa work niya. Personally, mabait si _____ (aktres), pero kapag kasama na niya ang boyfriend, parang may something na,” komento ng nakatrabaho ng aktres sa pelikula.

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

Ganito rin ang narinig naming kuwento tungkol sa aktres sa kabilang TV network na pinanggalingan niya, iritable rin ang executives sa boyfriend ng dalaga dahil hindi marunong makisama.

Lagi raw kasama ng aktres ang boyfriend na kahit hindi nagsasalita ay halatang nagpapapansin at feeling mas sikat pa kaysa sa girlfriend, kasi nga may kaya at spoiled brat.

Sabi namin sa TV exec, baka naman gustong mag-artista ang boyfriend.

“Naku, parang hindi naman siya artistahin, may itsura pero hindi siya magugustuhan ng fans.”

Ang puwede raw sigurong maging papel ng boyfriend ng aktres ay lider ng sindikato o ‘yung binubugbog ng bida.

Ang tanong, papayag naman kaya ang boyfriend ng aktres, e, anak mayaman nga, ha-ha-ha. (Reggee Bonoan)