MAPAPANOOD ang 2016 Billboard Music Awards sa MYX, ang numero unong music channel sa bansa. Ibo-broadcast nang live mula Las Vegas Nevada ang show sa MYX sa Mayo 23 (Lunes), alas-otso ng umaga.

Ang magiging host ng Billboard Music Awards ngayong taon ay sina Ludacris at Ciara at inaabangan na ang mga pasabog na performance ng international superstars na sina Justin Bieber, Demi Lovato, Nick Jonas, Madonna, Rihanna, Ariana Grande, Fifth Harmony, at maraming iba pa.

Bukod sa bonggang performances, kaabang-abang din ang mga unexpected collaboration at mga much-discussed pop culture moment.

Tatanggap din ang chart-topping living legend na si Britney Spears ng Millennium Award para sa kanyang outstanding career achievements at impluwensiya sa industriya ng musika. Magpe-perform din siya ng medley ng kanyang hit songs.

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

Bukod sa Lunes, ang 2016 Billboard Music Awards ay may replays ng 1 PM at 9 PM. May replays din sa Mayo 24 ng 5 PM, Mayo 27 ng 9 PM, Mayo 28 ng 11 AM, at May 29 ng 12 AM.

Ang MYX, napapanood sa Skycable Channel 23, isang Filipino cable television network na pagmamay-ari at pinatatakbo ng ABS-CBN Creative Programs, Inc. (CPI) ay nananatiling isa sa mga most followed local media outfits sa Twitter at Facebook.