KIAMBA, Sarangani – Patay ang anim na katao at siyam ang nasugatan nang magkabanggaan ang isang pampasaherong van at isang truck sa Barangay Lumuyon, Kiamba, Sarangani.

Ayon kay Chief Insp. Richard Ybañez, hepe ng Kiamba Municipal Police Station(KMPS), naganap ang head-on collision nitong Miyerkules ng hapon. Tanging si Gregorio Hombrog, driver ng truck, pa lamang ang nakilala sa mga namatay.

Batay sa imbestigasyon, pauwi ng Poblacion, Kiamba ang truck nang makasalubong ang van na patungo naman ng General Santos City. Sa lakas ng salpukan, apat sa mga biktima ang kaagad na namatay habang dalawa ang nalagutan ng hininga sa ospital, kabilang na si Hombrog.

Ayon sa pulisya, madalas na ang pag-ulan sa lugar ng aksidente. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog