Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang hinihinalang tulak ng shabu ang isang tattoo artist sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Naglalakad si Renato Martinez, 28, patungo sa kanyang bahay sa Marulas-B, Barangay 36, Caloocan City, nang lapitan ng mga armadong suspek dakong 9:30 ng gabi nitong Miyerkules.

Walang sabi-sabing pinutukan ng gunman ang biktima sa kanang sentido.

Tinukoy ng mga saksi sa insidente ang suspek na isang “Alfred”, na umano’y kilabot na tulak ng ilegal na droga sa kanilang barangay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi nina PO3 Noel Bollosa at PO2 Cesar Garcia na walang natagpuang basyo ng bala sa crime scene kaya hindi nila matukoy kung anong kalibre ng baril ang ginamit ng suspek.

Naniniwala ang mga imbestigador na may kinalaman sa droga ang pamamaril kay Martinez. (Ed Mahilum)