Tumatanggap na muli ng nominasyon ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa Ulirang Guro sa Filipino 2016, isang prestihiyosong gawad sa mga pili at karapat-dapat na guro sa Filipino sa lahat ng antas.

Ang nominadong lisensiyadong guro ay kinakailangang nakapaglingkod ng tatlong taon o higit pa at mayrating na hindi bababa sa “Very Satisfactory”.

Ayon sa KWF, mahalagang salik din ang pagpapahalaga at pagtataguyod sa wikang pambansa kasama ang mga saliksik pangwika at pangkultura sa rehiyon na ginawa ng nominado.

Sa Agosto 19, 2016 kikilalanin ang Ulirang Guro 2016, sa KWF Araw ng Gawad.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Hunyo 17, 2016 ang huling araw ng pagpapasa ng nominasyon.

Tumawag sa 736-2524, at hanapin si Bb. Jeslie Del Ayre, para sa karagdagang detalye. Maaari ring bumisita sa kwf.gov.ph, o mag-email sa [email protected]. (Michaela Andrea M. Tangan)