Pormal nang binuksan ng Department of Health (DoH)-MIMAROPA (Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) kahapon ang isang community center na magbibigay ng testing, treatment at referrals para sa HIV (human immunodeficiency virus) services.

Ayon kay Regional Director Eduardo Janairo, ang community center na tinawag na Amor Tara! ay matatagpuan sa Abad Santos Street sa Puerto Princesa City, Palawan. Bukas ito mula Miyerkules hanggang Linggo, 10:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.

Layunin ng center na maabot ang “vulnerable individuals” sa komunidad at mahikayat silang boluntaryong sumailalim sa HIV testing. “Amos Tara! will provide fast, free and convenient HIV assessment and education services for those wishing to have themselves examined, properly informed and updated regarding new strategies in HIV prevention and control,” ani Janairo. (Mary Ann Santiago)

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!