PAUL JAKE AT KAYE copy

SA rami ng nagbigay ng messages kay Kaye Abad sa engagement niya kay Paul Jake Castillo, ang message ng kapatid niyang si Sarah Abad ang isa sa pinaka-emotional. Reading the message, mapi-feel ang care and love na namamagitan sa magkapatid.

Ipinost ni Sarah sa Instagram (IG) ang message niya kay Kaye: “A very emotional moment for our family. We’ve all been waiting for this special day to come. Since we were young, you’ve dreamt of your own fairytale. You waited for someone to sweep you off your feet... You never settled for anything less than what you have imagined for your own love story. We all couldn’t help but cry because we are all so happy that you’ve finally found your happily ever after...”

Nakatutuwang malaman na marami ang nagmamahal kay Kaye at lahat sila masaya sa balitang engaged na ang aktres sa fiancé nitong si Paul Jake noong May 17. Matagal nilang hinintay ang pagpapakasal ni Kaye na kanilang minahal mula pa noong unang pumasok sa showbiz.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May fans si Kaye na naiyak din nang mapanood ang video ng marriage proposal ni Paul Jake at ‘katawa ang isang comment na parang kapatid o kamag-anak niya si Kaye sa sobrang tuwa niya na mag-aasawa na ang aktres.

Wala pang sinabi kung kailan ikakasal sina Paul Jake at Kaye, pero tiyak na isa ito sa showbiz wedding na aabangan ng marami. (NITZ MIRALLES)