Cast ng Encantadia sa Binatbatan Festival copy

MAINIT na tinanggap ng libu-libong Kapusong Ilokano ang mga bida ng Encantadia sa Binatbatan Festival of the Arts sa Vigan City, Ilocos Sur noong Mayo 7.

Tinatayang 6,000 katao ang nakisaya sa mga bagong Sang’gre na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Glaiza de Castro. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsama-sama ang apat para sa isang regional show simula nang opisyal silang ipakilala bilang mga bagong Sang’gre sa inaabangang sequel ng GMA telefantasya series.

Kasama ring nagbigay-aliw sa Kapuso Fiesta ang co-stars nilang sina Ruru Madrid at Rochelle Pangilinan. Ang Kapuso comedy actor na si Pekto naman ang naging host sa event.

Trending

'Ungrateful mother?' Nanay na inokray daw regalong hikaw ng anak, inulan ng reaksiyon

Nabighani ang mga taong nagtipun-tipon sa Plaza Burgos sa Vigan City nang isa-isang ipakilala ang mga Kapuso artist sa kanilang gagampanang karakter. Sa pamamagitan ng isang audio visual presentation, nagpatikim din sila ng mga eksenang dapat abangan sa kapana-panabik na primetime series sa GMA.