Jessy at JC (PLEASE CROP) copy copy

MALAKAS talaga ang following ng love team nina JC de Vera at Jessy Mendiola. Ang ikalawang project nilang Wansapanataym Presents: Just Got Laki na napanood nitong nakaraang Linggo ay nakakuha ng ratings na 28.5% samantalang 17.6 lang ang Ismol Family sa data ng Kantar Media.

Ayon sa fans nina Jessy at JC, maaari na rin silang bigyan ng movie project dahil tiyak na marami rin ang tatangkilik katulad ng ibang love teams na pinagkatiwalaan din ng Star Cinema.

“In fairness, bagay naman talaga sina JC at Jessy, may chemistry sila, mga tinginan nila noon sa You’re My Home, akala mo may something sila, wala pala, ganu’n sila kagaling,” sabi ng supporter ng dalawa.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Pareho raw single sina Jessy at JC kaya posibleng maging sila pagdating ng araw lalo’t madalas silang nagkakasama ngayon. Bukod kasi sa Wansapanataym Presents: Just Got Laki ay may Banana Sundate pa sila.

Pero kinontra namin ang akalang single si JC dahil ang alam namin ay may non-showbiz girlfriend siya na nakita naming kasama niya nang sumali sa isang bazaar sa Maynila ang The Burgery business ng aktor.

Nakita ni JC noon na kukunan namin sila ng litrato ng non-showbiz girlfriend niya kaya tumalikod silang bigla.

Anyway, nabanggit din naman nina JC at Jessy sa nakaraang presscon nila na magkaibigan lang silang dalawa at focus sila sa trabaho muna. (Reggee Bonoan)