NABALITAAN namin mula sa isang taong malapit sa namayapang si Direk Wenn Deramas ang posibilidad na maaaring ibalik sa bahay-ampunan ang mga batang inampon, inalagaan at itinuring na tunay na ng box office director.

Ayon sa aming source, may mga problema raw na inaayos ang mga taong kasalukuyang kumukupkop sa mga anak-anakan ni Direk Wenn. Hindi naman diretsahang binanggit sa amin ng kausap namin ang problema kung bakit maaaring ibalik na lang sa ampunan ang mga mahal na alaga ni Direk Wenn.

Matandaang minahal ni Direk Wenn ang mga bata at sa pagkakaalam ng kausap namin ay kinabukasan nila ang isa sa mga dahilan ng sobrang kasipagan ng namayapang director.

“Sana naman, eh, magagawan ng paraan at may umako sa responsiblidad sa mga anak ni Direk Wenn. Nakakalungkot kasi kung ibabalik pa sila sa bahay-ampunan,” sabi pa ng kausap namin.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, ibinalita rin ng source na ang isa sa ipinagmamalaking serye ni Direk Wenn na Kahit Puso’y Masusugatan na pinagbidahan nina Iza Calzado, Gabby Concepcion, Andi Eigenmann at Jake Cuenca ay ipapalabas sa isang TV network sa Vietnam. (jimi escala)