TARLAC CITY - Nahaharap ngayon sa kasong rape at physical abuse ang isang mag-asawa sa Sitio Mangga 2, Barangay Matatalaib, Tarlac City matapos umanong halayin ng mister at saktan naman ng misis ang isang 13-anyos na babaeng may kapansanan sa pag-iisip na kalugar nila.

Sa ulat kay Tarlac City Police chief Supt. Bayani Razalan, halos matulala ang biktima sa umano’y dinanas na pang-aabuso mula sa mag-asawang Rodolfo Castañeda, 53; at Arlene Castañeda, 43, kapwa ng Sitio Mangga 2, Bgy. Matatalaib, Tarlac City

Lumitaw sa imbestigasyon ni PO2 Janeth Galutan na natipuhan ni Rodolfo ang dalagita at hinalay ito minsang namumulot ng basura sa nasabing lugar.

Nang dumaing ang dalagita ng matinding kirot sa ari at puwit ay hindi ito pinansin ng mga kaanak sa pag-aakalang may nakain lang itong hindi maganda.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nang muling pagtangkaan ni Rodolfo ang dalagita ay nalaman ito ni Arlene, at sa halip na magalit sa asawa ay maraming beses na sinampal ng ginang ang biktima gamit ang tsinelas. (Leandro Alborote)