NEW YORK (AFP) – Matapos masuspende sa Twitter dahil sa kaniyang mga racist at Islamophobic tweets laban sa singer na si Zayn Malik, humingi ng tawad ang rapper na si Azealia Banks.

Kilala si Banks sa kanyang walang prenong pagpo-post ng saloobin sa social media. At ngayon ay tila tumiklop ang rapper at nagpahayag ng paghingi ng tawad sa kanyang Instagram account.

“Employing racial/sexual slurs/stereotypes in attempts to make fun of or degrade another person or group is not fair or fun for anyone,” pahayag ni Banks na nag-perform sa Istanbul noong nakaraang Linggo.

 

Ina ni Sandro Muhlach sa bashers ng anak: 'Be mindful!'

“Allowing my anger to get the best of me, I’ve managed to insult millions of people without reason. And for that I give my deepest apologies,” aniya noong nakaraang Sabado.

Matatandaang gumamit ang African American rapper na si Banks ng masasakit na salita laban sa Muslim sa kanyang mga post sa Twitter upang punteryahin si Zayn, na inaakusahan niyang gumagaya sa estilo niya matapos itong tumiwalag sa One Direction.

Nagbiro rin Banks na papatayin ng US Military ang pamilya ni Zayn, na isang isang Briton na may lahing Pakistani at isa rin sa mga high-profile Muslim sa Western pop culture.

Noong Huwebes ay sinuspinde ng Twitter ang account ni Banks dahil sa kaniyang mga “abusive tweets and behavior.”

Nauna namang dinepensahan ni Banks ang sarili at sinabing sumama ang loob niya sa ginawang pagtanggi ni Zayn sa kaniyang mga kritisismo.

Bagamat hindi binanggit ni Banks ang pangalan ni Zayn sa kanyang pahayag, nilinaw niya ang isa sa kaniyang mga nakakainsultong tweet hinggil sa “curry,” isang salita na iniuugnay niya sa nahuli, at sinabing wala siyang problema rito.

Sinabi niya na biro lamang ito mula sa New York — kung saan siya nagmula at kung saan halos kalahati ng mga cab drivers ay mula sa Bangladesh, Pakistan, o India — na ang mga taxi ay amoy curry.

“I feel compelled to clear the air with curry itself because that’s a bridge I don’t want to burn. I still want to be able to enjoy it freely without guilt or judgment,” sabi niya.

Bagamat nauna nang gumamit ng homophobic language si Banks sa kanyang tweets at nagbanta pang susunugin ang building na pagmamay-ari ng mga kaanak ng “slave traders,” ay hindi naman ito nagdulot ng pagkasuspende niya sa naturang social media site.

Kilala rin siya bilang tagasuporta ng Republican presidential candidate na si Donald Trump, na kilala rin sa matatalim na pananalita sa kaniyang mga posts sa social media. Si Trump ay maalalang mayroon lamang kaunting suporta mula sa minorities. Isinalin ni Pamela Ann C. Bangayan