Sugatan ang siyam na katao makaraang bumaligtad ang isang van sa Barangay Agdangan, Baao, Camarines Sur, iniulat ng pulisya kahapon.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Michael Anthony Cangayo, ng Baao Municipal Police, nawalan ng kontrol ang driver na si Charles Cahegas makaraang mag-slide sa kalsada ang minaneho nitong van at bumangga sa isang kongkretong bakod bago bumaligtad.

Nasugatan sina Joel Gorisal, Romnick Cabangahan, Joseph Montañes, Abigail Bobis, Joel Reyes, Norma Bersales, isang Mulo, Calan Ludolito, at ang driver na si Cahegas.

Patungo umano sa Albay ang van galing sa Metro Manila nang mangyari ang aksidente. - Fer Taboy

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar