kris, josh at bimby

Ni JIMI ESCALA

BUMALIK sa Hawaii ang mag-iinang Kris Aquino, Josh at Bimby ayon na rin sa post ng Queen of All Media sa kanyang personal Facebook account.

Ang kanyang caption sa picture nila na kitang-kita ang beach ng Hawaii sa background, “Waiting for our room... I’m pretty sure you know where we are. ‪#‎HappyPlace‬ ‪#‎Family‬ ‪#‎LoveLoveLove‬.”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Dalawang buwan ang bakasyon nila na nagsimula pagkatapos ng eleksiyon.

Samantala, hindi man nanalo ang manok ng administrasyon na si Sec. Mar Roxas ay inspired pa rin si Kris sa inaabangan nang hustong resulta ng bilangan sa vice presidential race na nananatiling leading si Cong. Leni Robredo. 

May source kami na nakasama si Kris sa kampanya para kay Leni sa Quezon City na nagkuwentong damang-dama nila na talagang may inclination ang presidential sister na pasukin ang pulitika.

Mismong si Kris daw ang nagpahayag sa malakihang rally ng Liberal Party sa QC na tatakbo siya sa susunod na eleksiyon.

“Alam kong si VM Joy Belmonte ang susunod na gagawin ninyong mayor at ako ang magiging ka-tandem niya bilang vice-mayor,” sey pa raw ni Kris na umani ng umaatikabong palakpakan muna sa mga taga-Quezon City.

Mukhang seryoso raw si Kris sa binanggit niyang iyon. Last term na rin kasi nina Joy Belmonte at Mayor Herbert Bautista. Pero obserbasyon pa ng kausap namin, pagiging mayor ang nababagay kay Kris.

“Alangan namang kalabanin niya si Joy Belmonte, pero tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari after three years,” sey pa ng source namin.

Napahiyaw naman ang lahat na present sa rally na ‘yun nang banggitin ni Kris Aquino na mahal na mahal daw niya ang Quezon City, na isa siya sa mga residente, pero ang problema lang daw ay hindi siya minahal ng nakaupong mayor, huh!