Arestado ang isang tindero matapos mamataan ng pulisya habang naglalakad nang hubo dahil sa impluwensiya ng shabu, sa Marikina City nitong nakaraang linggo.

Dahil walang saplot sa katawan, sinita ng pulisya ang suspek na si Eric Aruelo, 36, tubong Lanao del Norte, sa Daisy Street, Barangay Malanday, Marikina.

Nang lapitan nina PO1 Mark Anthony Oliva at PO1 Nestly Ryan Denna ang suspek, tumakbo ito palayo subalit kanila pa ring hinabol.

Matapos ang ilang minutong habulan ay nakorner ng awtoridad si Aruelo at nang kapkapan ay nakuha umano rito ang isang sachet ng shabu.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Marikina City Police Station. - Aric Cua