Pinagtataga sa ulo ng kanyang bayaw ang isang lalaki makaraang matalo sa sugal ang una dahil sa kanyang pakikialam sa Binmaley, Pangasinan, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa ulat ng Binmaley Municipal Police, ginagamot sa Binmaley Municipal Hospital si Erik Latonio, na nataga sa ulo, habang nakakulong na ang bayaw niyang si Cesar Balolong.

Batay sa imbestigasyon, nakipaglamay sa kapitbahay sa Barangay Papageyan ang magbayaw at naglalaro ng pusoy hanggang sa natalo si Balolong dahil umano sa pakikialam ni Latonio sa pagsusugal nito.

Nagalit ang suspek at sa pag-uwi nila sa bahay ay kumuha si Balolong ng itak at tinaga ang biktima habang nakikipag-inuman. - Fer Taboy

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol