Ni NITZ MIRALLES

Juancho Trivino,KAKAIBA ang role ni Juancho Trivino sa Magkaibang Mundo na ipapalabas sa Afternoon Prime ng GMA-7 dahil gaganap siya bilang duwende. Challenge sa aktor kung paano magiging kapani-paniwalang duwende at malaking tulong ang director nilang si Mark dela Cruz at ang in-charge sa visual effect.

Pero tiniyak ni Juancho na magugustuhan ng viewers ang duwende character niya dahil gagawin niyang lovable. Matutuwa rin ang mga babae at beki fans ni Juancho dahil irarampa niya ang hubad niyang katawan.

“Hindi naman basta na lang ako maghuhubad. Ang mangyayari, lalaki ako sa story at ‘pag lumalaki ako, napupunit ang damit ko at nahuhubaran ako. Hindi pilit ang paghuhubad ko at iniisip din namin na pang-afternoon ang time slot namin, maraming batang viewers, kaya aalalay kami,” wika ni Juancho.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

First time makakapareha ni Juancho si Louise delos Reyes at sa simula pa lang, may mga nag-aabang na kung mauuwi sa panliligaw niya sa leading lady ang kanilang pagtatambal?

“Hindi ko alam, pero hindi ko siyempre isinasara ‘yung pintuan du’n sa kung ano ang puwede kong mapasukan na relationship. Feeling ko, it will come naturally kasi siyempre palagi kaming magkasama, very attractive si Louise, may mga intimate scenes kami at kailangan naming mag-holding hands, hug, mga ganu’n. Hintayin na lang natin ang mga mangyayari, sa ngayon, focus muna tayo sa pilot ng Magkaibang Mundo, sa May 23 na,” plugging ni Juancho.

Excited si Juancho sa Magkaibang Mundo, kaya naka-move on na siya sa hindi pagpasa sa audition sa Encantadia. Nag-audition siya sa role ni Ybarro na napunta kay Ruru Madrid.

“I’m very happy for Ruru at sa iba pang cast at very deserving silang lahat. Hindi naman ako nalungkot dahil binigyan ako ng show, itong Magkaibang Mundo at maganda rin siya, panoorin ninyo,” pagtatapos ng binata.