James McAvoy at Anne-Marie Duff

Nagdesisyon sina James McAvoy at Anne-Marie Duff na tuldukan na ang kanilang relasyon makalipas ang 10 taong pagsasama bilang mag-asawa.

Isiniwalat ng X-Men star at Suffragette actress ang balita sa pinag-isang pahayag na nagsasabing, “It is with tremendous sadness that we have come to the decision to divorce.”

“We enter this next phase with continued friendship, love and respect for one another and the shared focus of caring for our son,” dagdag ng dating mag-asawa. “We ask that you respect our and, most importantly, our child’s privacy during this time.”

Tsika at Intriga

Juliana nagpatutsada kay Diwata: 'Dating nagsusungit, ngayon kusang lumalapit!'

Nagkakilala sina McAvoy, 37, at Duff, 45, sa set ng U.K. series na Shameless, at nagdesisyong magpakasal noong Oktubre 2006. Sila ay nabiyayaan ng anak, si Brendan, na isinilang noong 2010.

Samantala, gaganap si McAvoy bilang Professor X sa sikat na X-Men movie franchise. Ang pinakabagong serye ay ang X-Men: Apocalypse na mapapanood simula Mayo 27. - ET Online