Coco MartinNAPAPANAHONG pagpapaalala ang inihahandog ng nangungunang teleserye sa bansa na FPJ’s Ang Probinsyano para sa mga manonood sa kampanya nitong “Ligtas Tips: Paala ng Probinsyano,” na naglalayong maipagbigay-alam sa mga mamayan upang makaiwas sa pambibiktima ng masasamang loob.

Kamakailan ay ipinalabas na sa serye ang tips nina Cardo (Coco Martin), Glen (Maja Salvador), at Onyok (Simon Pineda) at inisa-isa nila ang mga pamamaraan upang maging alerto laban sa “budol-budol” gang, kidnappers, at pag-iingat sa pagsakay sa taxi.

Bukod sa TV plugs, may infographics din na maaaring ibahagi ng netizens upang ipakalat ang tips at bigyang kaalaman ang kanilang mga mahal sa buhay. Puwedeng ma-access ang mga ito sa show page ng programa sa www.abs-cbn.com.

At sa pagpapatuloy ng kuwento, tuluyan nang tinapos ni Jonas (Jake Cuenca) ang buhay ni Andrew (Elmo Magalona) nang akusahan itong nagtatraydor sa kanilang grupo. Ngunit hindi naman hahayaan ni Cardo na may iba pang masaktan kaya gagawin niya ang lahat upang maparusahan ang nagkakasala sa batas.

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

Tuluyan na nga kayang mabisto ni Cardo ang mastermind ng illegal drug trade? Ano kaya ang kanyang gagawin kapag nalaman niyang sangkot sa krimen si Joaquin (Arjo Atayde) at ang lolo nitong si Emilio (Eddie Garcia)?

Huwag palampasin ang maaaksiyong tagpo sa numero unong primetime teleserye gabi-gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Pwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.