Carla Abellana

BIKTIMA rin ng cyber bullying si Carla Abellana sa katatapos na eleksiyon dahil lang si Mar Roxas ang sinuportahan niya. Ang sakit ng mga akusasyon sa kanya, gaya kung magkano ang ibinayad sa kanya para kanyang suportahan at iendorso si Mar.

May mga nag-unfollow pa kay Carla sa social media dahil lang sa suporta kay Mar Roxas. Ang masama pa, pati pagiging artista niya ay kinukuwestiyon, dahil lang sa pulitika.

Kilalang sumasagot sa kanyang basher si Carla, pero mas nakabuti na sa puntong ito ay pinabayaan lang niyang i-bash siya ng mga sarado ang isip at hindi naniniwala na may kani-kanyang choices ang bawat tao.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Anyway, matutuloy na ang matagal nang planong European vacation ni Carla dahil tapos na ang rom-com series nila ni Gabby Concepcion na Because of You. Isa ito sa successful na teleseryeng ginawa ni Carla sa GMA-7 dahil mula nang mag-pilot noong November 30, 2015, ilang beses na-extend.

Natuwa ang mga sumubaybay sa Because of You dahil happy ang ending, natapos sa beach wedding nina Carla at Gabby at sa pagbabati ng cast na may mga isyu.

This May na ang lipad ni Carla at ng kanyang pamilya para sa kanilang European vacation. Kahit one week lang sila, ang importante, makakapagpahinga ang dalaga at makaka-bonding ang pamilya. –Nitz Miralles