SUMUGAL pala ang kilalang mayamang negosyante sa dalawang kandidato na parehong talunan. Nanlulumo siya ngayon dahil napakalaking halaga ng nawala sa kanya.

Lalo na sigurong hindi matutuloy ang launching ng bago niyang endorser para sa bestseller niyang produkto.

Naaawa ang mga kaibigan ng kilalang negosyante dahil nasayang ang mga pinaghirapan niya.

Kaya sa ngayon, hindi muna nagpaparamdam ang kilalang negosyante na siguradong hindi pa makapaniwala sa napakalaking halaga na naisugal niya sa dalawang talunang kandidato. Balita kasi namin ay tangay din ang ipangpupuhunan sana niya para sa iba pang produkto.

Annabelle sa 'fake news' tungkol kina Echo, Janine, Paulo: 'Pakialam ko sa kanila, busy ako 'day!'

In fairness, parehong malakas ang tinayaang kandidato ng rich businessman kaya siguro hindi siya nag-akalang matatalo ang mga ito.

Mabuti na lang at mabenta ang produkto ng kompanya niya, tiyak na mabilis din siyang makakabawi. (Reggee Bonoan)