Kim KardashianOras na para kumain ng celebratory salad! Unti-unti nang naibabalik ni Kim Kardashian, nadagdagan ng 70 pounds habang ipinagbubuntis ang anak na si Saint, ang kanyang dating timbang makalipas lamang ang limang buwan.

“Yaaaassssss!!! #Atkins,”caption ni Kardashian, 35, sa isang litrato nitong Biyernes, via Snapchat. Sa larawan, ang Keeping Up With the Kardashians beauty ay nakatayo sa scale, at makikitang siya ay may kasalukuyang bigat na 135.8 pounds.

Ipinanganak ni Kardashian ang anak nila ng kanyang asawa na si Kanye West noong Disyembre 5, 2015. Si Saint ay may nakatatandang kapatid na babae at ito ay si North, 2.

“This time I think weight has come off quicker than last time because I kind of learned how to eat better,” pahayag ng Selfish sa E! News noong April. “Last time I worked out a little bit harder. This time I’m eating differently. I’m doing the Atkins diet, and I’m so militant about it that I just started working really hard and I think the mix of the two will really help this last 20 pounds fly off. I’m praying.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dagdag pa niya na: “It’s a challenge. It’s not easy at all. We just got back from our family vacation [in Vail, Colorado] and every day we were up early working out.”

Sinabi ng Atkins nutritionist ni Kardashian, si Colette Heimowitz, sa Redbook magazine na aabot sa 1,800 calories ang nadadagdag kay Kardashian kada araw at nababawasan naman ng two pounds kada linggo. - US Weekly