NATUTUWA ang fans ni Zsa Zsa Padilla sa mga ipinahayag niya sa interview ng ABS-CBN News na lumabas noong Martes dahil positive ang mga pananaw at sinabi niya pagkatapos nilang maghiwalay ng ex-fiance niyang si Architect Condrad Onglao.

“I’m healing. I’m very blessed that I have my family with me and the good support of my friends. It’s all I need I guess,” pahayag ni Zsa Zsa sa nasabing interview.

Nabanggit ni Zsa Zsa ang sinabi ng kanyang kaibigan na kahit ganoon na ang kanilang edad, hindi pa rin natatapos sa life lessons.

“So ‘yun ang mga sinulat ko, kung ano ‘yung mga natutunan ko dito, and hopefully not to commit the same mistakes again,” patuloy niya.

Annabelle sa 'fake news' tungkol kina Echo, Janine, Paulo: 'Pakialam ko sa kanila, busy ako 'day!'

Kabilang sa natutuhang lesson ni Zsa Zsa ang, “Of course to love yourself, and to also remember that your family got your back, and also, to keep your private life private.”

Inamin ni Zsa Zsa na na-involved siya masyado sa social media mula noong buhay pa si Dolphy at lahat ng tungkol sa buhay niya ay ipino-post niya, kaya alam ng tao ang lahat ng tungkol sa kanya. Dahil sa nangyari sa personal life niya, nangako siyang ang mananatiling private ang pribadong buhay niya.

“I have to keep some for myself,” pangako ni Zsa Zsa.

Kabilang sa mga pinasalamatan ni Zsa Zsa sa mga nagpakita ng concern sa kanya at nagpadala ng encouraging messages ang kanyang supporters.

“Thank you so much for all your positive messages and of course pasensiya na dahil sa edad ko, talagang nagkakamali pa rin tayo sa buhay. Kaya talaga tayo nandito para mabuhay is to learn. It’s a never-ending process. Life is good and God is good. I’m so blessed that he’s been really good so I’m thankful.”

Naibalita rin na isinauli na ni Zsa Zsa ang luxury car na ibinigay sa kanya ni Mr. Onglao, pati na ang kanyang engagement ring.

Tapos na rin daw ang paghahakot ni Zsa Zsa sa mga gamit niya sa bahay ni Mr. Onglao, na baka trak-trak ang inabot dahil marami siyang gamit kabilang ang maraming gowns.

Samantala, dumating si Zsa Zsa sa screening ng digitally-restored and remastered movie nila ni Patrick Garcia na Batang PX noong Martes sa UP Film Institute Cine Adarna.

Tamang-tama ang screening ng Batang PX dahil sa May 17, celebration ng 20th years nito mula nang unang ipalabas noong May 17, 1997. (NITZ MIRALLES)