DAHIL sa eleksiyon at sa ambisyon ay tuluyan nang nagkagalit ang dalawang personalidad na parehong tinitingala ng pinagsisilbihan nilang lungsod. Ito ang nakuha naming impormasyon mula sa isang taong kasa-kasama ng dalawa.

Parehong may kanya-kanyang supporters at fans ang dalawang personalidad. Palagi silang nagkakatulungan noong mga nakaraang eleksiyon. Pero nitong katatapos na halalan, nahalata na raw ng nakababatang politician/showbiz celebrity ang plano ng nakakatandang politician/showbiz personality rin na unti-unti na siya nitong inilalaglag.

Kaya kahit sa kampanyahan ay hindi raw nagawang magkita ang dalawa kahit magkasama sila sa partido at magkapareho ng mga kandidatong sinusuportahan.

Banggit pa ng kausap namin, halata raw na nagsisisi na ang nakababatang politician/showbiz personality sa ibinigay niyang suporta sa nakatatandang personalidad.

Relasyon at Hiwalayan

Kim Jones, tinulungan si Jericho Rosales sa major decisions nito

Pero ang talagang ikinadismaya ng nakababatang politician ay ang ginawa ng tinulungan niyang nakakatandang politician na pang-iipit sa mga kandidatong malapit sa kanya.

“Kaya natalo si _______ (politician na may konek din sa showbiz at malapit sa batang pulitiko) dahil ginawan talaga ng paraan ni _______ (matandang politician) na huwag mananalo,” sey pa ng source namin.

So, talaga ngang maraming magkakaibigan na nasira sa Halalaan 2016. (JIMI ESCALA)