CAMP DANGWA, Benguet - Patay ang isang ama at anak niyang babae matapos silang pagsasaksakin ng nagwawalang asawa ng huli habang nag-iinuman sa loob ng bahay sa Pudtol, Apayao.

Kinilala ni Supt. Cherry Fajardo, regional information officer ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera ang nasawi na sina Edgar Singco, Sr. at Claribel Singco Gonzales, 25; habang sugatan naman ang suspek na asawa ni Claribel, si Mario Gonzales, gayundin ang asawa ni Edgar na si Agustina Singco; sina Aldrin Putac at Edgar, Jr.

Ayon kay Fajardo, dakong 1:00 ng umaga ng Mayo 10 at nag-iinuman ang pamilya sa kanilang bahay nang biglang magtalo ang mag-asawang Mario at Claribel.

Inawat ng pamilya Singco ang lasing nang suspek, pero naglabas ito ng kutsilyo at pinagsasaksak ang asawa at pamilya nito.

Probinsya

Dalaga sa Iligan City, nawawala; ‘manipulative boyfriend,’ pinaratangang sangkot

Binabantayan ngayon sa ospital ang nasugatan ding suspek, na nahaharap sa parricide, murder at frustrated murder.

(Rizaldy Comanda)