James-Reid copy

BIRTHDAY ni James Reid kahapon at 23 years old na siya ngayon. Ang kanyang birthday wish?

“Ah... happiness for my family, successful world tour, ‘yon lang.”

Magsisilbing regalo na rin sa aktor at sa kanyang ka-love team na si Nadine Lustre ang nalalapit na US tour nila dahil kasabay ng trabaho ay ang kanilang pagliliwaliw sa US. Kinumpirma ni James na halos isang buwan ang itatagal ng kanilang tour sa Amerika.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Thirteen shows in 13 cities ang nakatakda nilang gawin sa Tate, na sisimulan na nila ngayong buwan.

“Do’n sa 13 shows may free time naman. I’ll have free time in San Diego, free time in New York. Actually, ‘yung sa New York nag-extend kami, three or four days, baka mag-watch kami ng Broadway shows,” sey ni ng binata.

From his US tour, aasikasuhin ni James sa kanyang pagbabalik ang paglipat sa nabiling bahay sa Loyola Grand Villas na may seven bedrooms.

“When I return from the States saka ako lilipat, baka June or July. Yeah, my own house. Me, my brothers, my sisters, my dad will be there.”

Nasa finishing touch na ang bahay na kanilang lilipatan.

“I extended the pool, putting in aircon units, so hot, eh. Kailangan ko lang ng pool, ‘yung pool talaga importante sa akin. Matatapos na ‘yon before I get back.

“I was thinking about (buying) a sports car sana, an Audi R8, and I thought, it’s so selfish, it’s only for me.

Because my brother, my sister they share a room, so I got a bigger house para mas comfortable sila. I can buy pa naman may Audi car later or one day.”

Bago ang kanyang kaarawan ay pinasaya muna ni James ang mga bata sa Asociacion de Damas de Filipinas, isang charitable orphage.

“My friend from G-Force came with me and we danced with the kids, gave them gifts, ice cream, bags. Sila ‘yung mga kids na iniwan ng parents nila, abandoned kids. I like children kasi.”

Kung bakit malapit siya sa mga bata?

“I had a nice upbringing, I had a very nice childhood, going to the beach, our family is rich, so I’d like to... for other kids to experience the same,” pahayag ng actor. (Ador Saluta)