Angelina, Sam at Chesca_JIMI ITEM copy

AYAW nang patulan ni Sunshine Cruz ang anumang patutsada ng dating asawang si Cesar Montano. Katwiran ng aktres, nasabi na niya ang gusto niyang sabihin at sa ngayon ay mas makakabuti para sa kanya ang manahimik na lang, muna.

Isa pa, may gag order ang korte sa kanilang dalawa. Umaasa na lang ang aktres na sa halip na magpatutsada ay bigyan na lang ng pansin ni Cesar ang maayos na pagpapalaki sa mga anak nilang sina Angelina, Sam at Chesca.

“They are doing well sa school nila. Ang hirap lang, eh, pareho silang lahat englisera,” napatawang kuwento ni Sunshine sa amin.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Dapat din namang ipagmamalaki ni Sunshine ang tatlong anak niya na ngayon pa lang ay may mga kumakausap na sa kanya para isali ang mga ito sa beauty contest pagdating ng araw.

“Well, kamuntik na rin naman akong maging beauty queen noon. That was 1999 ba ‘yun or 2000, parang someone was dethroned and then I was being considered to represent the county. But unfortunately, that time I was very busy sa left and right na showbiz commitments ko.

“Isa pa, ‘pag sumali ako sa Binibining Pilipinas, eh, sila na ang magma-manage sa akin na hindi naman tiyak papayag ang manager ko dahil nu’ng mga taon na ‘yun, eh, I was earning well naman,” lahad pa ng aktres.

Naniniwala si Sunshine na hindi talaga para sa kanya ang pagkakataon na iyon.

“Sayang ‘yun pero naniniwala naman ako na maybe it’s really not for me. Malay natin, isa sa mga anak ko… eh, kasi sa totoo lang din naman, eh, dream din naman nila na maging beauty queen. Pero ngayon sabi ko sa kanila, dapat priority muna nila ang makapagtapos ng pag-aaral nila. They have to study well para naman hindi tayo pumalakda sa question and answer portion,” napapangiting sabi ng premyadong aktres.

Hindi tututol si Sunshine kung sakaling sumali sa beauty contest ang mga anak niya, at wala raw sa kanya ang pagdedesisyon sa bagay na iyon.

“Sila ang masusunod sa bagay na ’yan. Hindi ko naman sila kailangang kumbinsihin. It’s themselves talaga, parang gusto lang talaga nila and they would always tell me na, ‘Mom, I want to be a beauty queen soon,” sey pa rin ni Shine.

Pinaaalalahanan din lagi ni Sunshine ang mga anak niya na tapusin muna ang pag-aaral bago tuluyang pasukin ang mundo ng pelikula at telebisyon.

“Whatever they want in life, I will always support them. Pero kailangang makapagtapos muna sila ng pag-aaral nila.

Sa totoo lang naman kasi, eh, parehong honor students ang mga ‘yan,“ may himig ng pagmamalaking pagtatapos ni Ms. Sunshine Cruz. (JIMI ESCALA)