PARAANIN ang bride! Engaged na si Brie Larson sa kanyang nobyong si Alex Greenwald, kinumpirma ng kanyang mga tagapagsalita sa Us Weekly.

Inalok ng kasal ng musikero, 36, ang Oscar winning actress, 26, habang sila ay namamasyal sa Tokyo noong Marso, pagsisiwalat ng source sa US. Sinabi ni Brie na nais na niyang magkaroon ng anak, dagdag ng source.  

Nitong Mayo 7, napanood ang newly minted A-lister na nakasuot ng engagement ring habang nagho-host ng Saturday Night Live.

Makailang beses nang sinamahan ni Greenwald si Larson sa iba’t ibang awards show nitong unang bahagi ng taon nang siya ay maging nominado (at manalo!) para sa Room, kabilang na ang 2016 Oscars na napagwagian niya ang Best Actress trophy. Pinasalamatan niya ang kanyang “real partner Alex Greenwald. I love you, the whole thing!” (US Weekly)
Tsika at Intriga

Julie Anne, may gustong ipakapa sa nagsasabing retokada siya