Rob at Blac copy

NAGSIMULA sa pagmamahalan, sinundan ng planong pagpapakasal, na hinaluan ng made-for-reality TV drama, ngayon magkakaroon na ng anak.

Hindi ito ang eksaktong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa buhay nina Rob Kardashian at Blac Chyna, ngunit iniulat ng TMZ na ang 29 na taong gulang na Keeping Up With the Kardashians star at kanyang fiancée ay magkakaanak na.

Tila kinumpirma na ng magkasintahan ang balita nang magbahagi sila sa Instagram ng pregnant avatar ni Chyna.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ito ang unang anak ni Rob at ikalawa naman ng 27 taong gulang na modelo — na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat, na siya ay may tatlong taong gulang na anak, si King, sa dating kasintahan na si Tyga. Na hindi rin naman lingid sa nakararami na si Tyga ay kasintahan ngayon ng nakababatang kapatid ni Rob na si Kylie Jenner. Na dahilan ng kanilang kumplikadong family tree.

Bagamat inilarawan ng mga kapatid ni Rob ang engagement nila ni Chyna na “f**ked up,” kailangan na nilang tanggapin ang magkasintahan.  

“Kylie is over the relationship,” pahayag ng source sa ET. “It was tough for her in the beginning. But she sees how happy he is and all she wants is for him to be happy. The general consensus in the house is ‘Praise Chyna! Don’t go!’ They finally got the brother they always knew back.” (ET Online)