DASOL, Pangasinan – Tinotoo ng isang lolo ang banta niyang pagpapakamatay dahil na rin sa matinding pangungulila sa namatay niyang asawa sa Barangay Petal sa bayang ito.

Sa ulat kahapon ng Dasol Police, dakong 4:00 ng hapon nang ipabatid sa pulisya ang pagbibigti ni Felicisimo Navarro Bona, 70, biyudo, at residente sa nabanggit na lugar.

Natagpuan ang matanda sa pagkakabigti sa sala ng kanyang bahay.

Nauna rito, naikuwento umano ni Bona sa kanyang anak na tatapusin na niya ang sariling buhay dahil hindi na niya makayanan na wala sa kanyang piling ang namayapang asawa.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Inakala pa ng pamilya ni Bona na nagbibiro lang siya, kaya nagulat ang mga ito sa pagpapatiwakal ng matanda.

(Liezle Basa Iñigo)