KRIS copy

NALUNGKOT ang followers ni Kris Aquino sa Instagram post niyang, “My boys & I started saying our goodbyes & THANK YOU to our PSG. This Mother’s Day bouquet from them is heartwarming because 6 years ang magandang pinagsamahan namin. I thank them for the loyalty, caring & for really treating my boys like family.”

Bukod kasi sa nalalapit na paglipat sa ibang assignment ng PSG nina Kris, Josh at Bimby dahil magtatapos na ang termino ni President Noynoy Aquino, aalis ang mag-iina pagkatapos ng eleksiyon kahapon at two months silang wala sa bansa.

Pagbalik nina Kris, Josh at Bimby, baka hindi na nga nila makita ang PSG na for six years, nagbantay at nag-alaga sa kanila at naging very close sa kanila.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Naalala namin ang kuwento ni Kris na ‘pag nag-a-abroad sila, laging may pasalubong si Josh sa bantay nilang PSG at ang ipinambibili ay galing sa sariling ipon nito from his allowance.

Hindi pa rin sinasabi ni Kris kung saan sila pupunta ng kanyang mga anak, hintayin na lang natin at siguradong malalaman din natin. Hindi lubos na mami-miss ng kanyang fans si Kris dahil marami pa rin siyang umeereng TVC ng marami niyang endorsements. Katunayan, for almost a week bago umalis, TVC shoot ang ginawa ni Kris. (NITZ MIRALLES)