Alden sa Milan Malpensa Airport copy

MUKHANG mahihirapang mag-shooting si Direk Mike Tuviera ng first solo movie nina Alden Richards at Maine Mendoza na kukunan partly sa iba’t ibang lugar sa Italy.  

Paano mapipigilan ng production staff at security ang fans na dadayo sa kanilang location? May friends kami from Switzerland pa na talagang naka-schedule na ang fans club nila roon na i-meet sina Maine at Alden.

Umalis sina Maine at Alden noong Linggo, May 8, sa mas napaagang schedule na 8:00 AM flight, kaya 5:00 AM pa lang ay magkasama nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawa, kasama si Mommy Mary Ann Mendoza na mas kilala sa tawag na Nanay Dub. 

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Natawa kami sa post sa Twitter na ‘nagrereklamo’ ang Jaguar ni Alden dahil, “wala akong tulog. From Laguna to Bulacan to NAIA” meaning sinundo ni Alden si Maine at ang mommy niya sa bahay nila sa Bulacan.

Sa NAIA pa lamang, pinagkaguluhan na sila ng fans na mukhang nagbantay dahil wala namang nagsabi kung anong oras ang exact flight ng mga magsu-shooting sa Italy. Sa despedida party nga sa Eat Bulaga noong Sabado, pinaalis na ng mga lola sina Alden at Maine at baka raw maiwanan sila ng eroplano.

Sa Muscat, Oman sa Middle East nag-stop over ang Omar Airways, for two hours, post ng isang taga-Oman Airport.

Inilipat daw sa isa pang Omar Airways plane ang ibang gamit na dala ng entourage na sabi’y binubuo lahat ng 28 pax. 

Hindi na namin kailangang mag-surf sa mga updates, dahil kusa nang dumating sa amin ang mga nangyayari sa kanilang pagdating sa Milan.

Nag-touch down ang Omar Airways sa Milan-Malpensa Airport at exactly 7:28 p.m. Milan time of Sunday May 8. Sa Philippine time, Monday, May 9, 1:28 AM, advanced kasi ang time natin sa kanila ng anim na oras, kaya Team Puyaters na naman ang mga AlDub Nation na naghintay ng updates.

Grabe ang dami ng fans na naghintay sa magka-love team na looking fresh pa rin sa kabila ng 17 hours flight. 

Mukhang nakatulog naman sila nang maayos dahil nasa business class sila. Mabuti at may in-assign nang bodyguard kay Maine, paglabas pa lamang niya sa immigration area, kaya biruan sa Instagram, nawala raw ang ‘great wall of Alden,’ na madalas ay siyang umaalalay kay Maine, dahil kahit siya ay halos hindi makalakad at natutulak na lamang siya ng mga fans. 

Post nga sa Twitter, kailangan daw paghiwalayin sina Alden at Maine para maisakay sila sa naghihintay na van. 

Mahigpit iyong bodyguard ni Maine dahil wala talagang nakalapit sa kanya hanggang maisakay na siya sa van.

Wala pa kaming exact details kung kailan sila magsisimulang mag-shooting, pero sa palagay namin, tuluy-tuloy na si Direk Mike at kukuha na lamang sila ng security para makapagtrabaho na sila. At siguro naman, mapapakiusapan ang fans na tulungan silang makapag-shooting. 

Maraming nagtatanong kung paano na ang kalyeserye sa Eat Bulaga ngayong wala sina Alden at Maine. Nakita naming kasama sa grupo sina Jenne Ferre at Theiy, ang dalawa sa mga writer ng kalyeserye. Hindi kami magtataka kung magkakaroon ng “Kalyeserye sa Italy.” Type ba ninyo ang kalyeseryeng imported, ADN? (NORA CALDERON)