Mayo 9, 2008 nang unang ilabas sa mga sinehan sa Amerika ang labis na pinagkagastusang pelikula na “Speed Racer”.
Ang pelikula ay ibinatay sa “MachGoGoGo”, isang Japanese television series na napanood noong 1960s.
Pinagbidahan ni Emile Hirsch, ang 18-anyos na si Speed Racer ay walang kinatatakutan, agresibo, at instinctive.
Tanging ang alaala ng kapatid niyang si Rex Racer, na nasawi sa karera, ang nag-iisang tunay niyang kumpetisyon.
Tumulong din si Speed sa racing business ng kanyang pamilya, na pinangunahan ng kanyang ama, si Pops Racer.
Tinanggihan din ni Speed ang malaking alok mula sa Royalton Industries, na nagbunsod upang matuklasan niya na ilang malalaking negosyante ang nagmamanipula sa resulta ng karera sa ilan sa pinakamalalaking event. Dahil dito, naging determinado si Speed na talunin ang Royalton upang protektahan ang negosyo ng kanyang pamilya.
Ang sasakyang pangarera niya na Mach 5, na binuo ni Pops Racer, ay kulay puti na may pulang disenyo, at maihahambing sa unang Ferrari car.