Nanguna sina reigning PBA back-to-back MVP Junemar Fajardo at two-time FIBA Asia Best Guard awardee Jayson Castro sa listahang isinumite ng Samahang Basketball ng Pilipinas sa International Basketball Federation (FIBA) para sa darating na FIBA Olympic qualifier na gagawin sa bansa sa Hulyo.

Mula sa nasabing listahan na kinabibilangan ng mga professional at amateur standouts ng bansa inaasahang mabubuo ang pinakamalakas na national team na makikipagsapalaran upang muling makalaro ang bansa sa Olympics men’s basketball competition.

Kabilang din sa listahan sina Calvin Abueva, Paul Lee, Japeth Aguilar, Jeff Chan, Marcio Lassiter,Terrence Romeo, Gabe Norwood, Marc Pingris,  Greg Slaughter, LA Tenorio, Ranidel de Ocampo, Matt Rosser Ryan Reyes at Troy Rosario.

Kasama rin sina UAAP two-time MVP Bobby Ray Parks, Kiefer Ravena, at UAAP standouts Mac Belo, RR Pogoy, Tussel Escoto at Kevin Ferrer, naturalized Andrei Blatche at Fil- Tongan Moala Tauthaa.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ayon kay national coach Tab Baldwin, ang listahan ay ibababa sa 16-man bago pormal na ihayag ang final 12-man line-up sa Hunyo 27. - Marivic Awitan