Pokwang & Melai

NAGBABADYANG mauwi sa hidwaan ang pagkakaibigan nina Wilma (Pokwang) at Maricel (Melai Cantiveros) dahil malalaman na ng huli ang pagsira ng kanyang kaibigan sa binitawang pangako nito sa Kapamilya afternoon series na We Will Survive.

Ilang taon na ang lumipas ngunit matindi pa rin ang hinanakit ni Maricel para kay Pocholo (Carlo Aquino) dahil sa ilang beses na nitong panloloko at pagpapaasa sa kanya. Kaya bubuhos ang kanyang galit kapag madiskubre niyang hindi tinupad ni Wilma ang kanilang usapan na huwag hayaan si Pocholo na maging parte ng buhay ng kanyang anak.

At dahil dito, magdedesisyon si Maricel na ilayo si Jude (John Steven de Guzman) sa ama at tuluyan nang putulin ang kanilang ugnayan dito labag man sa kalooban ng bata.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Magkasira na nga kaya sina Wilma at Maricel? Paano naman kaya ipaglalaban ni Pocholo ang karapatan niya bilang ama kay Jude?

Marami pang dapat abangan kaya tutukan ang teleseryeng nagpapakita na gaano man kapangit ang mundo, gaganda ang buhay basta’t kasama ang mga kaibigan, ang We Will Survive tuwing gabi, bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Maari ring panoorin ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.