Isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang nasawi habang sugatan naman ang dalawang tauhan niya makaraan silang pagbabarilin ng isang kandidato sa pagkaalkalde at tatlong tauhan nito sa Tampilisan, Zamboanga del Norte, dalawang araw bago ang halalan ngayong Lunes.

Nasawi si Senior Insp. Mirdan Usama habang nasugatan naman ang dalawa niyang tauhan na hindi kinilala.

Arestado naman si Alson Chan, kandidato sa pagkaalkalde ng Tampilisan, at ang tatlong kasamahan nito, na kinabibilangan ng isang barangay kagawad.

Nabatid na nagkaroon pa ng tensiyon sa pagdakip sa grupo ni Chan ng mga pulis na hindi umano nakasuot ng uniporme.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Itinanggi naman ni Police Regional Office (PRO)-9 Director Chief Supt. Miguel Antonio na hindi nakasuot ng uniporme ang kanyang mga pulis nang arestuhin si Chan.

Dahil dito, hinigpitan pa ng pulisya ang seguridad sa Zamboanga del Norte. (Fer Taboy)