SYDNEY, Australia (AFP) – Nasa pinakamataas na punto ng kanyang career ang Australian director na si George Miller.

Humakot ng karangalan ang kanyang pelikulang Mad Max: Fury Road at kasama na ito sa mahabang listahan ng acclaimed movies — at ngayong linggo, kasama siya sa jury ng sikat na Cannes Film Festival.

Nabigo man siya sa Oscar Best Director award na nasungkit ni Alejandro Gonzalez Inarritu, para sa The Revenant, hindi pa rin natinag ang tagumpay ng kanyang post-apocalyptic movie noong nakaraang taon.

“You’d be a fool to be disappointed when we did so well,” sabi ng 71-anyos na direktor sa panayam ng pahayagang The Sydney Morning Herald nang makabalik siya rito noong Marso matapos manalo ng anim na Academy Awards at apat na British BAFTAs ang pelikula.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

Bilang manunulat, direktor, at producer, bigating pangalan na si Miller sa Australian cinema — sa panahon ng kanyang career na nagsimula sa orihinal na Mad Max na pinagbidahan ni Mel Gibson noong 1979, Babe, at ang feel-good Oscar nominated animated movie na Happy Feet noong 2006.

Naging bahagu ng renaissance of Australian cinema si Miller noong 1980s kasama sina Peter Weir (Dead Poets Society, The Truman Show), Bruce Baresford (Driving Miss Daisy), at Philip Noyce (Patriot Games, Salt).

Pero ang kanyang karera sa pelikula ay hindi laging secured; dati siyang doktor at gusto sana niyang ituloy ang nasabing propesyon makalipas ang mahabang panahon. Idagdag pa ang pagtatrabaho niya dati bilang emergency doctor, na nasaksihan niya ang iba’t ibang aksidente na labis na nakaapekto sa kanya at naging impluwensiya sa mararahas na pelikulang Mad Max.

“It kind of disturbed me quite a bit. And I think all those things were part of the mix of the Max Mad films,” sinabi ni Miller sa panayam sa kanya ng Australian Screen Online noong 2006.

Matapos ang original smash hit, itinuloy ni Miller ang Mad Max 2: The Road Warrior (1981) at ang Mad Max Beyond Thunderdome (1985), ngunit hindi niya inakalang madadagdagan pa ito ng Fury Road.

Samantala, si Miller ang nag-produce sa coming-of-age-film na The Year My Voice Broke (1987) at sa thriller na Dead Calm (1989), na naglunsad sa career ni Nicole Kidman—pati na rin ang Australian television series na Vietnam at Bodyline.

Napakarami ng kanyang acclaimed films, kabilang ang fantasy comedy na The Witches of Eastwick (1986) at ang heart-tugging drama na Lorenzo’s Oil (1992).

Si Miller ay may dalawang anak sa kanyang film editor wife na si Margaret Sixel, at isa pang mas nakakatandang anak na babae mula sa dating karelasyon.

Magsisimula ang Cannes film festival sa Miyerkules at tatagal hanggang Mayo 22.