MARAMING fans ang bagong love team na pinasisikat ng TV network. Sa katunayan, lagi silang trending kapag may naipo-post sa social media tungkol sa kanila.

In fairness, may chemistry naman talaga ang magka-love team kahit na bago lang. Kaya bibigyan na sila ng sariling teleserye.

Heto na ang tsika, Bossing DMB, nagkakaproblema ang aktor dahil may real life girlfriend pala siya at alam ito ng fans niya.

Ilang beses na niyang sinabi na trabaho lang naman ang namamagitan sa kanila ng ka-love team niya at hindi niya ipagpapalit ang real life girlfriend niya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang kaso, pati personal na lakad pala ng aktor at ng real life girlfriend niya ay apektado na dahil hindi na sila nagkakasama. Kasi nga busy na ang binata sa trabaho at higit sa lahat, bawal siyang makita sa labas na iba ang kasama maliban sa ka-love team niya.

Kaya pala busangot ang real life girlfriend ng aktor nang makita namin kamakailan sa isang advance screening ng pelikula kasama ang buong pamilya.

Narinig namin ang kasamang kaibigan ng real life girlfriend na nagsabing, “Baka naman humabol, wait mo lang.” Na ang aktor siguro ang tinutukoy.

Pero hanggang sa makapasok ang real life girlfriend ng aktor sa loob ng sinehan ay hindi namin nakitang dumating ang binata.

Kaya hindi na kami magtataka kung isang araw ay mabalitaan na lang na hiwalay na ang aktor sa real life girlfriend niya dahil sa kawalan ng oras at para na rin sa career niya na nagkakaroon na ng direksyon. (Reggee Bonoan)