Red Hot Chilli Peppers copy

NEW YORK (AFP) – Inihayag ng American band na Red Hot Chili Peppers na mayroon silang bagong album pagkaraan ng limang taon at kahit na nagpalit sila ng producer ay mananatili pa rin ang kanilang signature funky touches.

Ang Los Angeles band ay isa sa leading alternative rock bands noong 1990s, at ang kanilang bagong studio album na The Getaway ay inaasahang lalabas sa Hunyo 17.

Ang banda ay agad na naglabas ng single mula sa kanilang album, ang Dark Necessities, na may solo mula sa kanilang bassist na aabot ng limang minuto.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Sa classic style ng Chili Peppers, ang mala-rock style na kanta ay may subtle funky beat, biglang naging dark ang lyrics, at ang kanilang frontman na si Anthony Kiedis ay tila nagkukuwento tungkol sa pananaw ng isang drug addict na nangangailangan ng tulong.

Ang album ay ang pagbabalik ng banda simula nang i-release ang I’m With You noong 2011, na kasama ang kanilang guitarist na si Josh Klinghoffer, na nakababata ng isang henerasyon sa mga kabanda.

Sa pagkakataong ito ay hindi nakipagtrabaho ang banda sa veteran producer na si Rick Rubin na gumabay sa bawat album nila simula noong 1991,at sa breakthrough song na Blood Sugar Sex Magik.

Pinalitan si Rubin, ang prolific producer ng rock at rap na kilala sa kanyang hard-edged sound, ni Danger Mouse, isang diverse producer na may background sa hip-hop at sa successful na album ni Adele na 25.

Ipo-promote ng banda ang kanilang The Getaway album sa music festivals kasama na ang Japan’s Fuji Rock, Rockskidle sa Denmark, Leeds sa England at sa 25th anniversary ng sikat na Lollapalooza. Ang tour ay magtatapos sa Oktubre 16 sa Bercy Arena sa Paris.